^

Metro

3 LPG dispensing station, ipinasara

-

Bunga umano ng pandaraya sa tamang timbang, patuloy na paglabag sa umiiral na probisyon at panuntunang ipinatutupad ng Department of Energy (DOE), tatlong LPG dispensing station sa Malabon, Pasig at Quezon City na kinabibilangan ng pag-aari ni LPG Marketers Association (LPGMA) president Arnel Ty ang ipinasara ng naturang ahensiya.

Nabatid sa kalatas  ng DOE, ipinasasara ng ahen­siya ang REGASCO Auto LPG dispesing station sa Dagat-dagatan, Letre Road, Malabon City; OMNI Gas Corp. sa Sandoval Ave., San Miguel, Pasig City at ang PINNACLE Gas Refilling Plant sa Mindanao Ave., Bgy. Talipapa, Quezon City na pag-aari mismo ni LPG Marketers Association president Arnel Ty.

Ang pagpapasara sa mga nabanggit na LPG dispensing station ay ipinaabot sa mga mayor ng nabanggit na mga lungsod mismo ni Energy Sec. at chairman ng Presidential Task Force on the Security of Energy Facilities and Enforcement of Energy Law and Standards Angelo Reyes.           

Sa panayam kay Reyes, aniya ang REGASO, PINNACLE at OMNI Gas ay nabigong magbayad ng kaukulang bayarin at hindi  rin tumutupad sa panuntunang ipinatutupad ng DOE.      

Bukod pa rito, napatunayan din umanong fire hazards ang mga kompanya na posibleng malagay sa panganib ang mga residente sa palibot ng kanilang mga imbakan.

Binanggit pa ni Reyes sa kanyang liham na dapat na ipatupad agad ang pagpapasara ng lokal na pamahalaan ng nabanggit na tatlong lungsod sa tatlong kompanya ng LPG sa lugar na kanilang nasa­sakupan para na rin sa kaligtasan ng mga consumers at mga residente. (Rose Tamayo-Tesoro)

ARNEL TY

DEPARTMENT OF ENERGY

ENERGY SEC

GAS CORP

MARKETERS ASSOCIATION

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with