^

Metro

Fare hike petition binawi ng transport groups

-

Binawi na ng jeepney groups ang kanilang amended petition para sa taas pasahe sa Land Trans­portation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) epektibo kahapon.

Ang pagbawi ay ginawa ng United Transport Koalisyon (1UTAK) dalawang araw maka­ra­­ang akusahan ng Land ­Trans­­­portation Franchising Re­gulatory Board (LTFRB) na marami ang pumeke sa lagda ng ilang transport leaders para sa paghingi ng P10 minimum na pasahe sa mga pampasahe­rong jeep sa Metro Manila at kalapit lalawigan.

Ayon kay LTFRB chairman Thompson Lantion, kanilang natuklasan na ilang lider ng transport groups ang peke ang lagda sa naisumiteng amended petition sa ahensiya para sa fare increase.

Bunsod nito , bilang kambyo ni  1 UTAK Chairman Vigor Men­doza, binabawi na nila ang amended fare hike petition para bigyan ng panahon ang LTFRB na maisentro nito ang pagpa­patupad ng alternative options para sa mga driver at operators ng mga pampasaherong sasak­yan na patuloy na apektado ang kabuhayan ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo.

Ito ay tulad ng pagpapakilala ng ahensiya sa mga alternative fuels tulad ng LPG at ang tung­kol sa pagkakaloob ng P2 fuel sub­sidy at pagbibigay ng pro­vi­sional fare hike maging 1 billion rehabilitation at moderni­zation sa transportasyon. Nili­wa­nag na­man ni Men­doza na wala silang plano na magpa­tupad ng isang transport holiday sa pagbubukas ng klase sa su­sunod na linggo. (Angie dela Cruz)

CHAIRMAN VIGOR MEN

FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

FRANCHISING RE

LAND TRANS

METRO MANILA

SHY

THOMPSON LANTION

UNITED TRANSPORT KOALISYON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with