Buong puwersa ng Caloocan police, ila-line-up

Nakatakdang isailalim sa police line-up ang may 200 opisyal at tauhan ng buong Caloocan City police para kilalanin ng salvage survivor kung sinu-sino ang dumampot at sumalvage sa kanila na dito napatay ang tatlo niyang kasamahan.

Kahapon sinimulan na ang line-up sa 20 tauhan ng Caloocan Police at wala ni isa man dito ang nakilala ng naka­ligtas na salvage victim na si Glenn Genesolanggo.

“At least 20 personnel of the Caloocan PNP have been lined-up for identification by the lone survivor but so far walang na-identify sa kanila,” ani PNP Spokesman Chief Supt. Nica­nor Bartolome sa press brief­ing sa Camp Crame kahapon.

Nabatid na iniharap kaha­pon ng umaga sa survivor na si  Genesolanggo ang 20 pulis sa Caloocan City Police ka­ugnay ng isinasagawang masusing imbestigasyon ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group-Na­tional Capital Region (PNP-CIDG-NCR)  sa pamumuno ni Sr. Supt . Erickson Velasquez sa  naturang kaso ng summary execution.

Dahil dito, sinabi ni Barto­lome na itutuon nila ang ka­nilang konsentrasyon sa Police Community Precinct  na nakakasakop sa lugar kung saan ikinanta ng survivor na si Genesolanggo na pinagba­baril sila ng tatlo niyang ka­samahan ng mga uniporma­dong pulis noong Huwebes ng madaling-araw.

 Si Genesolanggo at tatlo nitong kasamahang sina   Archie, Javin at Robert Tan ay dinampot umano ng sam­pung pulis-Caloocan sa bahagi ng Congressional Highway, Brgy. Camarin ng lungsod matapos ang mga itong paratangang nagnakaw sa bahay ng isang negosyanteng Muslim.

Ang mga ito ay dinala sa isang madilim na lugar sa pa­gitan ng hangganan ng Bula­can at Caloocan saka pinag­ba­baril kung saan napatay ang tatlo habang masuwerte na­ mang nakaligtas matapos na magtatakbo si Gene­solanggo.

Binigyang diin pa ni Bar­to­lome na tatapusin nila ang po­lice line-up sa loob ng 3 hang­­­ gang 5 araw at kung kinaka­ilangang palawakin pa ito sa hurisdiskyon ng CAMANAVA area o Northern Police District (NPD) ay kanila itong gagawin para malantad ang kato­tohanan.

Show comments