Buong puwersa ng Caloocan police, ila-line-up
Nakatakdang isailalim sa police line-up ang may 200 opisyal at tauhan ng buong Caloocan City police para kilalanin ng salvage survivor kung sinu-sino ang dumampot at sumalvage sa kanila na dito napatay ang tatlo niyang kasamahan.
Kahapon sinimulan na ang line-up sa 20 tauhan ng Caloocan Police at wala ni isa man dito ang nakilala ng nakaligtas na salvage victim na si Glenn Genesolanggo.
“At least 20 personnel of the
Nabatid na iniharap kahapon ng umaga sa survivor na si Genesolanggo ang 20 pulis sa Caloocan City Police kaugnay ng isinasagawang masusing imbestigasyon ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (PNP-CIDG-NCR) sa pamumuno ni Sr. Supt . Erickson Velasquez sa naturang kaso ng summary execution.
Dahil dito, sinabi ni Bartolome na itutuon nila ang kanilang konsentrasyon sa Police Community Precinct na nakakasakop sa lugar kung saan ikinanta ng survivor na si Genesolanggo na pinagbabaril sila ng tatlo niyang kasamahan ng mga unipormadong pulis noong Huwebes ng madaling-araw.
Si Genesolanggo at tatlo nitong kasamahang sina Archie, Javin at Robert Tan ay dinampot umano ng sampung pulis-Caloocan sa bahagi ng Congressional Highway, Brgy. Camarin ng lungsod matapos ang mga itong paratangang nagnakaw sa bahay ng isang negosyanteng Muslim.
Ang mga ito ay dinala sa isang madilim na lugar sa pagitan ng hangganan ng Bulacan at
Binigyang diin pa ni Bartolome na tatapusin nila ang police line-up sa loob ng 3 hang gang 5 araw at kung kinakailangang palawakin pa ito sa hurisdiskyon ng CAMANAVA area o Northern Police District (NPD) ay kanila itong gagawin para malantad ang katotohanan.
- Latest
- Trending