Obrero tigok sa kuryente

Nasawi ang isang cons­truction worker makaraang ma­kuryente habang nagka­kabit sa fiber glass insulation sa kisame ng ginagawang gusali ng GMA television net­work sa Quezon City. 

Dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center (EAMC) sanhi ng third degree burn sa buong katawan ang biktima na nakilalang si Roberto Malagayo, 38, ng Cainta, Rizal.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Station 10 na­ganap ang insidente sa ki­same ng apat na palapag ng ginaga­wang gusali ng natu­rang tele­vision station.

Bago ito, nabatid na nag­ka­kabit ng fiber glass insula­tion ang biktima sa kisame na nasa ika-apat na palapag ng naturang gusali.

Ayon sa kasamahan ng bik­tima na nakilala lamang na alyas Tano, may ginagawa rin siya sa kisame nang biglang sumigaw si Malagayo.

Nang puntahan niya ang kina­roroonan ni Malagayo, nakita niya itong nangingisay at halos may kuryente pang guma­gapang sa katawan nito.

Bago nasaklolohan ay pi­na­tay muna ni Tano ang main switch ng kuryente bago na­isugod ang biktima sa natu­rang ospital ngunit idinekla­rang patay na nang dalhin sa pagamutan sa pamamagitan ni Dr. Rogelio Varela. (Angie dela Cruz)

Show comments