^

Metro

20% discount sa pasahe gawing moral obligation

-

Nanawagan  si Manila 5th District Councilor Josie Siscar sa mga jeepney operators na gawing moral obligation ang pag­pa­patupad ng 20 porsyento diskuwento pasahe sa mga estud­yante kasabay ng patuloy na pagtaas ng  presyo ng gasoline.

Ayon kay Siscar, ang kanyang  panawagan ay bunsod na rin ng  mga impormasyon na kanyang natatanggap na plano ng mga jeepney operators na ibasura ang  memorandum ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)  alisin na ang  20 porsiyento diskuwento ng mga estud­yante ngayong pasukan Hunyo 10. Sinabi ni Siscar na  dapat na isipin din ng mga operators na sila rin ay magulang na  nagnanais na makakuha ng dis­kuwento sa kanilang mga pinagkakagastusan.

Gayunman, sakaling  hindi nila ipatupad ang  20 por­syentong diskuwento ay kailangan pa rin nilang  maghain ng petisyon sa  LTFRB na nagbabasura sa memorandum nito.

Bagama’t dagdag na pabigat sa kanila ang  pagtaas ng presyo ng krudo, dapat ding bigyang pansin ang  halaga ng  sentimo sa mga  estudyante. Bukod sa mga estudyante, may  diskuwento din ang mga may kapansanan at senior citizens. (Doris Franche)

AYON

DISTRICT COUNCILOR JOSIE SISCAR

DORIS FRANCHE

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

SISCAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with