^

Metro

Condo units sa Manila susuyurin sa shabu

-

Masusing pag-iinspek­siyon ang isasagawa ng mga tauhan ng Manila Police­ District sa mga con­do­minium building sa lungsod upang masiguro na hindi ito ginagamit na shabu laboratory.

Ayon kay Supt. Nelson Yabut, Hepe ng MPD-Station­ 11, ang inspeksiyon ay bunsod ng  pagkaka­tuklas kamakailan  sa isang silid sa isang condominium na ginagamit sa paggawa ng shabu.

Gayunman, nilinaw ni Yabut na bago ang isasa­gawang inspeksiyon ay  maki­kipagpulong ito sa mga Building Administrator ng mga condominium unit partikular sa Binondo area upang matiyak na walang lalabaging batas  dito.

Kaugnay nito, sinampa­han na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 sa City Prosecutor’s Office si Samson Tan  Lim, 30, Chinese national, ng 22nd floor, Fortune Palace sa Reina  Regente St., Juan Luna, Binondo makaraang masamsam ang tinatayang P100  milyon halaga ng shabu sa kanyang inuupa­hang condo unit.

Nakumpiska sa pagsa­lakay sa condominium unit ni Lim ang 50 kilo ng shabu na may P100 milyon na  market value.

Ang condo unit ni Lim ay ginagawang drying area ng mga ipinapadalang timpla­dong liquefied shabu saka pinapatuyo hanggang ma­ibenta sa  lansangan. (Grace dela cruz)

BINONDO

BUILDING ADMINISTRATOR

CITY PROSECUTOR

FORTUNE PALACE

JUAN LUNA

MANILA POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with