BI chief, 4 pa kinasuhan
Ipinagharap ng patung-patong na graft case sa Office of the Ombudsman ng mismong mga empleyado ng Bureau of Immigration ang hepe nitong si Commissioner Marcelino Libanan at apat pang opisyal dahil sa umano’y pagkakasangkot sa multi-milyong pisong human smuggling sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Kasamang kinasuhan ng Permanent Employees of Bureau of Immigration (PEBI) sina Clodualdo Peñera, hepe ng NAIA-BI Compliance and Monitoring Unit; Manuel Ferdinand C. Arbas, BI special technical staff; Atty. Edgardo Mendoza, hepe ng Immigration Regulation Division at isang Atty. Charo L. Gonzales.
Si Libanan ay nahaharap sa 416 counts ng graft and corruption, 416 bilang sa gross dishonesty of a public official, grave misconduct at neglect in the performance of duty, habang sina Mendoza ay 120 bilang ng graft and corruption at sina Arbas, Peñera at Gonzales, ay nahaharap sa 12 counts bawat isa ng graft and corruption at grave misconduct.
Ang kaso ay bunsod sa umano’y pagpayag ng mga ito na makapasok sa bansa ang mahigit 500 Indians at Chinese nationals na umano’y may mga kuwestiyunableng dokumento.
Nabunyag pa ng PEAI na si Peñera ay mayroon nang mahigit P200 million bank account sa iba’t ibang bangko sa bansa at nagbabalak na tumakbo bilang governor sa Eastern Samar sa 2010 habang si Arbas ay nagmamaneho ng isang brand new P2.8 million two-door BMW sports car habang pumapasok ito sa tanggapan ng BI sa Intramuros. (Ellen Fernando)
- Latest
- Trending