^

Metro

Libreng binyagan ni MJ ipinagpapatuloy

-

Sa kabila ng mga pagkutya sa kanya bilang isang ex-convict at akusasyon ng ilan niyang anak bilang kidnaper at may kapansanan sa pag-iisip,  patuloy pa rin ang  pagsasagawa ng pilantropo at populistang si Mark Jimenez  ng “Libreng Binyagan sa Barangay” sa iba’t ibang panig ng bansa na naglalayong magpalaganap ng pagmamahal at pag-asa sa mga tao.

Bukod sa libreng pagpapabinyag sa ilalim ng kanyang Hulog ng Langit Foundation, lalo pang pinalawak ni MJ ang pagtulong sa kapwa sa pamamagitan ng pagtatayo ng Adoration Chapel sa New Bilibid Prisons para sa may 16,750 preso rito.

Tinulungan din ng Hulog ng Langit Foundation ang mga preso sa Allenwood Correctional Facility sa Amerika, Cebu City jail at iba pang bilangguan sa bansa.

Umaabot naman sa mahigit na 700 bata na may edad isa hanggang pito ang bininyagan mula sa 10 barangay sa Maypajo St. at Ligao, Albay, Bicol noong nakaraang buwan.

Umaabot na sa mahigit 30,000 bata sa Metro Manila at karatig lalawigan ang nabiyayaan ng libreng binyag simula nang ilunsad ni MJ ang nasabing programa noong Hunyo ng nakaraang taon.

Barangay men merong accident insurance

Nakatakdang magbigay ng accident insurance si Valenzuela City Liga ng mga Barangay President, Councilor Alvin Feliciano sa lahat ng opisyales ng barangay sa buong lungsod para matulungan ang mga ito sakaling magkaroon ng biglaang aksidente sa kanilang buhay. Ayon kay Feliciano, sa pama­ma­gitan ng accident insurance na may halagang P100,000, hindi na maghahanap pa ng pang­gastos ang mga opisyales ng barangay sakaling may mang­yaring aksidente sa mga ito. Kabilang sa mga mabibigyan ng accident insurance ang kapitan ng barangay, SK chairman, kagawad, secretary, treasurer at mga tanod. (Lordeth Bonilla)

Pipi tinarakan

Isang 43-anyos na pipi ang pinagsasaksak hanggang mapatay ng isang grupo ng mga kabataan na nagalit sa pagsita niya sa pag-iingay ng mga ito sa Tondo, Manila kahapon ng umaga.  Namatay habang ginagamot sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Ricardo Aldib, walang trabaho, ng 480 Baltazar St., Tondo sanhi  ng tama ng saksak sa katawan. Iniim­bestigahan naman ng pulisya  ang mga naarestong suspek na sina Rolando Sarmiento, 17; Andres Malubay, 15; Astroval Concepcion, 15; Esteban Berlin, 17, at Jovan Umali, 17, isang SK Kagawad, pawang mga residente ng Velasquez at Concepcion Sts., Tondo.  (Grace dela Cruz)

ADORATION CHAPEL

LANGIT FOUNDATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with