^

Metro

Sekyu kinuyog ng 5 maingay na bakla

- Rose Tamayo-Tesoro -

Halos hindi mailarawan ang mukha ng isang guwar­diya makaraang kuyugin,  sabunutan at bugbugin siya ng limang bakla na pawang naburyong maka­raang sita­hin niya sa pag-iingay ng mga ito sa loob ng kanyang binabantayang internet café kahapon ng hatinggabi sa Makati City.

Sugatang dinala sa paga­mutan ang halos nawalan ng ulirat na biktimang si Rodel Roxas, 26, binata, guwardiya ng Station 168 Internet Cafe sa Makati Avenue, Barangay Bel Air sa naturang lunsod.

Sasampahan naman si Roxas ng kontra-demanda ng mga suspek na sina Jay­pee Holanda, 17; Norman Lucero, 22; Anthony Villar Hermosa, 23; Jay Rosedel Carson, 23; at Mike Angelo, 17, na pawang mga resi­dente sa Welfareville Compound, Mandaluyong City, dahil sinaktan din umano sila ng biktima.

Nauna rito, labis uma­nong nairita ang mga suspek nang sawayin sila ng biktima dahil sa labis nilang pag-iingay na ikinabulahaw din ng iba pang kostumer.

Iginiit naman ng mga sus­pek na  sila ay mga kus­tomer at hindi naman sila nang­gugulo.

Humantong lamang uma­no ang mainitan nilang pag­tatalo nang laitin na umano sila ng guwardiya sa pagiging homosexual nila na naging dahilan upang pagtulungan nila itong kuyugin at bug­bu­gin.

ANTHONY VILLAR HERMOSA

BARANGAY BEL AIR

INTERNET CAFE

JAY ROSEDEL CARSON

MAKATI AVENUE

MANDALUYONG CITY

MIKE ANGELO

NORMAN LUCERO

RODEL ROXAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with