^

Metro

ATM gang aktibo na naman!

-

Nagbabala kahapon sa publiko ang Manila Police District (MPD) na maging alerto sa mga naglipanang miyembro ng automated teller machine (ATM) gang na gumagala sa Maynila lalo na ngayong nalalapit na pagbubukas ng klase.

Ang babala ay ginawa ng MPD matapos muntikang mabiktima ng gang si P/Supt. Rolando Tumalad, hepe ng MPD Mobile Unit nang mag-withdraw siya ng halagang P10,000 sa BPI United Nation branch na nasa panu­lukan ng Romualdez St., at UN Avenue, Ermita, Maynila.

Base sa salaysay ni  Tumalad, dakong alas- 10:45 ng umaga nang magtungo siya sa nabanggit  na bangko upang mag-withdraw ng pera subalit nagtataka umano ito kung bakit umaandar ang machine gayung wala namang lumalabas na pera sa machine.

Dito naalala ni Tumalad  ang ilang reklamo na natanggap niya kaugnay sa modus operandi ng ipit gang kaya sinubukan niyang alugin ang machine at hinawakan ang bandang ibaba ng lagayan ng pera.

Dahilan dito kayat nadiskubre ni Tumalad na may nakaipit na aluminum na may grasa at doon  nakadikit ang lahat ng perang lumalabas sa ATM machine.

May hinala naman si Tumalad na binaklas ng sindikato ang bandang ibaba ng lagayan ng pera at doon inilgay ang aluminium foil na may grasa kaya kahit na umaandar ang machine ay walang lumalabas na pera.

Sa kabila nito nabawi naman ni Tumalad ang kanyang P10,000 habang punong puno ito ng grasa. (Gemma Amargo-Garcia)

GEMMA AMARGO-GARCIA

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

MOBILE UNIT

ROLANDO TUMALAD

TUMALAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with