Vendor tinarakan, patay
Napatay ang isang 19-anyos na vendor habang nasa kritikal na kondisyon naman ang kaibigan nito matapos silang saksakin ng isang lalaki na umano’y nayabangan sa mga biktima kamakalawa ng madaling-araw sa Sampaloc, Maynila.
Namatay habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Mark Erwin Andaya ng 578 Quezon Blvd. Quiapo, samantalang patuloy na inoobserbahan sa naturang ospital ang kasama nitong si Nestor Magbutay, 19, na residente din ng nasabing lugar.
Kaagad namang naaresto habang natutulog sa kanyang bahay ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) Station 3 ang suspek na si Abundio Vaclion, 27, kargador ng 953 R. Papa St. Lerma Sampaloc.Maynila
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-3 ng madaling-araw ng maganap ang insidente matapos na sumugod
- Latest
- Trending