4,000 pulis idideploy sa pasukan
All sets go!
Aabot sa mahigit 4,000 pulis ang idedeploy ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga crime prone areas sa bisinidad na malapit sa mga eskuwelahan kaugnay ng pagbubukas ng klase .
Sinabi ni NCRPO Chief Director Geary Barias na handang-handa na ang kanilang mga tauhan sa ipatutupad na seguridad upang pangalagaan ang kaligtasan ng milyong estudyante na dadagsa sa mga paaralan sa Metro Manila.
Partikular na ipakakalat ang mga pulis sa kahabaan ng CM Recto na kinaroroonan ng university belt, Taft Avenue, Quezon City area, at iba pang lugar na madalas pangyarihan ng krimen kung saan ang kadalasang mga biktima ay mga estudyante.
Kasabay nito, nagpakalat na rin ng safety tips ang PNP para makaiwas ang mga estudyante sa pambibiktima ng mga masasamang elemento.
Kabilang dito ay ang iwasan ang paglalakad ng nag-iisa lalo na sa madidilim na lugar,
Kaugnay nito, mahigpit ding tututukan ng NCRPO ang bisinidad ng mga eskuwelahan laban sa masasamang elemento tulad ng mga drug trafficker, pickpockets, holdaper at iba pa na maaring mambiktima ng mga estudyante.
Samantala, makikipag-ugnayan rin ang NCRPO sa tanggapan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) upang maiwasan ang inaasahang malalang daloy ng trapiko.
- Latest
- Trending