2 illegal recruiter timbog ng NBI

Arestado ng mga ele­mento ng National Bu­reau of Investigation ang dala­wang illegal recruiter ma­tapos na manloko ng may 170-katao na nais mag­­tungo sa Madrid, Spain.

Kinilala ni NBI Director Nestor Mantaring ang mga suspek na sina Albert Apostadero, 39, at si Riza­lina Tabajonda.

Batay sa ulat, dinakip ang mga suspek batay na rin sa reklamo ng mahigit sa 170  katao.

Ayon sa mga biktima, pi­nangakuan umano sila ng mga suspek na ma­ka­pagtatrabaho bilang mga chambermaid  at roomboy at makaka­tang­gap ng su­weldong US$2,000. Hini­ngi­an umano ng mga na­sabing suspek ang mga bik­tima ng hala­gang P70,000 bawat isa subalit matapos na ma­tanggap ang place­ment fee ay bigla na lamang umanong nag­la­­­laho ang mga ito.

Nabatid na matagal na umanong ipinasara ng Philippine Overseas Em­ployment Agency ang Renglo Enterprises Place­­ment Agency  na pag-aari ng mag-asawang  Renato at  Gloria Tomas kung saan konektado rito ang mga na­dakip na suspek. Ngunit sa kabila ng clo­sure order ng POEA ay patuloy umanong nag-operate ito. Ang mga nasabing suspek naman ay dinakip sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ng Makati Regional Trial Court Branch 62. Nahaharap sa kasong Syndicated illegal recruitment ang mga sus­pek kung saan wa­lang inirekomendang piyansa para sa panan­dali­ang ka­layaan ng mga ito. (Grace dela Cruz)

Show comments