^

Metro

Nanggulpi, nagnakaw sa estudyante, timbog

-

Matapos ang halos limang buwang pagtatago sa batas, nadakip na rin  ng mga tauhan ng  Quezon City Police District-Warrant Section ang isang negosyante na  umano’y nambugbog at nagnakaw ng pera at mga kaga­mitan ng biktimang si Louie Albert Serrano, nursing student.

Agad din namang nakapaglagak ng piyansang P30,000 ang akusadong si  Aron James Lao , 28, ng  #7 Robert St., Pleasant View Subdivision, Tandang Sora kay  Quezon City RTC Judge  Charito Gonzales branch 80 para sa kasong theft.

Batay sa rekord ng warrant section, nahuli dakong ala-1 ng tanghali si Lao sa kahabaan ng Banlat St. ng mga tauhan ng  mobile patrol matapos na  may makakita dito sa isang car wash station. Agad na itinuro ang aku­sado kay Serrano na agad namang humingi ng tulong sa dumaang mobile patrol. Nag-ugat ang kaso ni Lao nang mapagtripan at bug­bugin nito  si Serrano at dalawang kaibigan  sa Tomas Morato noong Enero 10.

Nakasakay siya sa kanyang kotse  na Honda na may plakang UBE-583 kasama  sina Michael  at Miguel Castro sa tapat ng  Decades Bar nang biglang harangin ng  akusado na sakay naman ng isang Honda SIR na may plakang  VAJ-168 sa likod at plakang  8 naman sa harap at may blinker. Bigla na lamang  binasag  ni Lao at iba pang kasama nito ang sasakyan ni Serrano at pinagbu­bugbog. Nawala  ang pera at ilang personal na gamit ni Serrano sa sasakyan. Si Lao ay pansamantalang nakala­laya matapos mag­lagak ng piyansa.  Pero tuloy ang kaso rito na tinaguri­ang “Siga sa Morato”. (Doris Franche)

vuukle comment

ARON JAMES LAO

BANLAT ST.

CHARITO GONZALES

DECADES BAR

DORIS FRANCHE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with