3 city hall personnel, sinibak
Sinibak ni Manila Mayor Alfredo Lim ang tatlong City Hall personnel matapos na lokohin ang city government ng halagang P376, 977.50 sa mga parking at towing fees na kanilang nakolekta at hindi ini-remit sa City Treasurers office mula Hunyo 2006 hanggang Hunyo 2007.
Bukod sa kasong pandaraya, nahaharap din sa kasong dishonesty, grave misconduct at conduct grossly prejudicial si Traffic Officer II Antonio Dawis ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB); Su zanne Tinio Mempin, Special Operation Officer V at Angel Dizon disbursement officer ng mga resibo at monthly collection ng mga towing fees at iba pang parking scheme.
Ayon kay Lim, hindi umano siya magdadalawang-isip na sibakin sa serbisyo ang mga empleyado na gumagawa ng katiwalian sa city government lalo pa’t ang mismong mga Manileño ang kanilang ninanakawan.
Matatandaan na una nang kinasuhan noong Enero 2008 ang tatlo kung saan sinuspinde muna ang mga ito habang isinasagawa ang imbestigasyon. Napatunayang ang mga ito ay nag-tatlong kopya ng resibo na magkakaiba ang halaga na nagreresulta naman ng hindi inconsistency ng mga bayad.
Napag-alaman na ang tatlo ay kumulekta umano ng P382,400 sa parking at towing fees mula Hunyo 2006 hanggang Hunyo 2007 subalit ang ini-remit lamang ng tatlo sa City Treasurer’s Office ay umaabot lamang sa P5,422.50.
Sinabi naman ni MTPB chief. Ret. Col. Franklin Gacutan, hindi dapat na palagpasin ang katiwalin na ginagawa ng tatlo dahil ito na rin ang nagiging dahilan ng pagkalugi ng city government. (Doris Franche)
- Latest
- Trending