^

Metro

Libing ni Crispin Beltran nagmistulang  protest march

-

Nagmistulang protest march ang sana’y malungkot na funeral march para kay Anak­pawis Partylist Congressman  Crispin “Ka Bel” Beltran nang ilakad ito mula sa Philippine In­dependent Church sa Taft, Avenue, Maynila patungong Men­diola bridge kahapon.

Si Ka Osang, maybahay ni Ka Bel, kasama ang mga anak at mga kaanak ay sinamahan  sa martsa ng mga nakapulang miyembro ng  Ki­lu­sang Mayo Uno, Gabriela, Bagong Alyan­sang Makabayan, Anak Bayan, League of Pili­pino Stu­ dents, PAMALAKAYA, Kilusang Mag­bu­bukid ng Pilipinas, Kabataang Pinoy at iba pa.

Habang daan ay sumisigaw ang mga mili­tante ng mga  islogan gaya  ng “Ituloy ang Laban ni Ka Bel”,“Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya”, “Ka Bel, Bayani ng Sam­­bayanan” at “Ka Bel Bayani ng Uring manggagawa.”

Sa tulay ng Mendiola, nagkaroon lamang ng maikling programa at matapos na iwanan sa paanan ng makasaysayang tulay ang koro­nang ipinadala ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa burol ni Ka Bel,  lumisan na ang grupo ng mga militante patungong Batasang Pam­bansa para sa necrological service ng mga kasamahang kongresista.

Kamakalawa, sa luksang parangal na ini­handog kay Ka Bel ng mga militanteng grupo, binasa rin ang mensahe ng pakikiramay ng National Democratic Front sa pamilya ng yumaong lider ng uring manggagawa.

Lumikha ng pansamantalang pagsisikip ng trapiko ang funeral march para kay Ka Bel sa kahabaan ng Quezon Ave. hanggang  Common­­wealth, Quezon City nang dalhin na ito sa Ma­babang Kapulungan.

Isa-isa namang nagbigay-pugay at naglagak ng puting rosas sa labi ni Anak Pawis Rep. Crispin Beltran ang mga kasamahan nitong kongresista kahapon. 

Sinabi ni Rep. Satur Ocampo, si Ka Bel ay isang tunay na bayani ng mga mahihirap dahil hanggang sa huling sandali ay ipinaglalaban niya ang kapakanan ng mga manggagawa.

Samantala, kinantahan ni Rep. Monico Fuen­tebella si Ka Bel na may pamagat na ‘isang saglit’ sa plenaryo habang nakikinig ang daan-daang supporter at pamilya ng huli na ikinatuwa nila, kabilang ang mga senador na dumalo. Na­una rito, hindi patatawarin ng pa­milya ni Beltran ang Catholic Church sa Albay sa ginawa nitong pagtanggi para misahan ang kongresista.

Sinabi ni Rosa Beltran, asawa ng kongre­sista na masakit sa kanilang pamilya ang gi­nawa ng obispo na hindi misahan ang kanyang yumaong asawa.  (Doris Franche at Butch Quejada)

BEL

KA BEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with