^

Metro

PNP-TMG magiging PNP- Highway Patrol Group na

-

Mula  sa pagkakakilala na PNP Traffic Management Group (PNP-TMG), pina­litan ito ngayon ng pangalan ng National Police Commission (Napolcom) at makikilala na bilang PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG).

Sa pahayag na ipinadala sa Depart­ment of Interior and Local Government (DILG), inilabas ng Napolcom ang Resolution No. 2008-262 na nagpapalit sa pangalan ng PNP-TMG.

Sinabi ni Napolcom Personnel and Administrative Service chief, Isidro Siriban, ang pagpapalit ng pangalan ay upang maituwid ang miskonsepsyon na nadodoble lamang ng naturang unit o nasasapawan ang trabaho ng pamama­hala ng trapiko ng Metro Manila Develop­ment Authority (MMDA) at iba pang units.

Base sa PNP Reorganization Plan, mananatili ang PNP-HPG bilang opera­tional support unit ng kapulisan at magpa­patupad ng mga batas sa trapiko at regulasyon. Mananatili pa rin ang trabaho ng HPG sa pagpapatrulya upang mapa­ngalagaan ang publiko, mapanatili ang kaayusan, umaresto sa mga kriminal at buwagin ang mga sindikato na nambi­biktima ng mga motorista, at manguna sa operasyon laban sa carnapping, hijacking, highway robbery at iba pang krimen sa kalsada.

Hawak pa rin ng HPG ang pama­mahala sa database ng Wanted Motor Vehicle Information System (MVIS), mag-develop ng information system  sa mga wanted na karnaper, magsagawa ng pagsasaliksik at bumuo ng database upang maiwasan ang mga aksidente sa kalsada. (Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

HIGHWAY PATROL GROUP

ISIDRO SIRIBAN

METRO MANILA DEVELOP

NAPOLCOM

NAPOLCOM PERSONNEL AND ADMINISTRATIVE SERVICE

NATIONAL POLICE COMMISSION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with