^

Metro

P2.50 pang pagtaas sa kada kilo ng LPG

- Edwin Balasa -

Ilang araw pa lamang matapos na muling magtaas ang presyo ng petrolyo ay muling nag-anunsyo kahapon ng panibagong P2.50 kada kilo pagtaas ng presyo ng Liquified Petrolium Gas (LPG) ang gru­pong LPG Marketers Associa­tion (LPGMA).

Ayon kay Arnel Ty, presi­dente ng grupong LPGMA, sisimulan nila ang panibagong P2.50 kada kilo o umaabot sa P27.50 sa isang 11-kg na tang­ke ang presyo ng kanilang tin­dang LPG sa darating na week­­end o simula ng buwan ng Hunyo. Paliwanag ni Ty, wala na silang magagawa kundi ang mag-implimenta ng pani­bagong LPG hike ma­tapos ang walang humpay na pag­taas ng presyo ng con­tact price nito sa pandaigdi­gang pa­mili­han na umaabot na sa ngayon sa halagang $60 kada metro tonelada.

Dagdag pa nito na posible pa umanong hindi matatapos dito ang gagawin nilang LPG hike dahil pa­tuloy pa rin ang pag­palo ng presyo ng petrolyo sa pan­daigdigang pamilihan.

Dahil sa gagawing pagtaas ng presyo ng LPG ng grupo ni Ty, dealer ng Omni, Sula, Cat at Pinnacle Gas ay aabot na sa P595.50 ang pres­ yo nito si­mula sa Hunyo mula sa dating P568 na dati nitong presyo.

ARNEL TY

AYON

HUNYO

LIQUIFIED PETROLIUM GAS

MARKETERS ASSOCIA

PINNACLE GAS

PRESYO

SHY

TY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with