^

Metro

6 na paslit tinangay ng agos: 5 nasagip,  1 nawawala

-

Limang paslit ang nasagip kahapon sa pagkakalunod, ha­bang nabigo namang mahanap pa ng search and rescue team ang isa pa sa mga biktima ma­tapos na tangayin ng malakas na agos ng tubig-ilog, kahapon ng tanghali sa Muntinlupa City.

Kinilala ang nawawalang 7-anyos na biktima na si Chris­to­pher Mapili Jr., kung saan ha­bang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa rin ito natatagpuan.

Batay sa ulat na nakalap ng PSN, pasado alas-12 ng tang­hali kahapon nang iulat ng mga magulang ng mga bata ang insidente matapos mapansin ang pagkawala ng mga ito sa paliligo sa ilog sa Barrio Tuklas, Cupang, Muntinlupa City.

Ang lima naman sa mga bata na na-rescue ay kinilalang sina Joshua Mapili, 13, kapatid ni Christopher Jr, John Mark Mon­teniado, 10, John Leslie, 9, Kol­bin Abellanosa, 11 at Mario “Toto” Curikasyon Jr., 12, pa­ wang na­katira sa Barrio Cupang.

Sa paunang imbestigasyon, sinabi ng mga pamilya ng mga bata na huli nilang nakitang naliligo ang anim nang biglang dumagundong ang malakas na agos ng tubig-ilog at tangayin ang mga huli na nasaksihan naman ng mga una.

Bunga nito ay agad na hu­mingi ng tulong sa kinauukulan ang mga pamilya ng mga bik­tima kung saan ay agad namang nagpadala ng search and rescue team kapwa ang Philippine Coast Guard (PCG) at ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa kung saan ay agad na nasagip ang lima, gayunman bigo silang makita si Chris­topher. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

BARRIO CUPANG

BARRIO TUKLAS

CHRIS

CHRISTOPHER JR

CURIKASYON JR.

MUNTINLUPA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with