Matapos na ipatupad ang .50 sentimos na fare adjustment kahapon sa mga pampublikong jeep at bus, nakatakda namang muling magpatong ng .50 sentimos rin na price adjustment sa kada-kilo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) bukas.
Nabatid sa isang kalatas ng Liquefied Marketers Association (LPGMA) na ang nasabing panibagong taas-presyo sa LPG ay bunga na rin umano ng patuloy na pagsirit sa contract price ng LPG sa pandaigdigang pamilihan.
Ayon pa sa LPGMA na maapektuhan rin sa dagdag na .50 sentimos na pagtaas ang presyo ng kada-litro ng Autogas na ginagamit sa pagpapatakbo ng ilang mga taxi sa bansa.
Bunga nito, inaasahan na aabot na sa P600 ang kada-tangke ng LPG bunga ng nasabing panibagong taas-presyo.