^

Metro

Batang may  cerebral palsy inabandona ng magulang

-

Isang bata na tinata­yang nasa 6-8 taong gulang at may sakit na celebral palsy ang ku­sang-iniwanan ng kan­yang mga magulang sa harapan mismo ng Pasay City Sports Complex.

Halos wala nang malay nang isugod ng mga barangay tanod sa Pasay City General Hospital ang hindi pa naki­kilalang bata na nang abandunahin ng kanyang walang pusong ina sa naturang lugar.

Labis naman naba­gabag ang kalooban ni Pasay City Mayor Wen­ceslao “Peewee” Trinidad nang makarating sa kanyang kaalaman ang pag-abandona sa bata kaya inatasan niya ang Pasay Social Welfare Department na pansa­man­talang kupkupin at bigyan ng pagkalinga ang wa­lang malay na bata hangga’t hindi inaaruga ng kanyang tunay na mga magulang.

Malaki naman ang hinala ni Insp. Mila Car­rasco, hepe ng Women and Children’s Protection Center na nagsawa na o nahirapan na ang mga magulang ng bata sa pag-aaruga rito.

Aminado rin si Car­rasco na mahirap tala­gang alagaan ang ba­ tang may ganitong uri ng ka­ramdaman subalit bilang magulang ay tung­kulin na alagaan ang anak kahit ano pa ang kanyang ka­pan­sanan. (Rose Ta­mayo-Tesoro)

AMINADO

MILA CAR

PASAY CITY MAYOR WEN

PASAY CITY SPORTS COMPLEX

PASAY SOCIAL WELFARE DEPARTMENT

ROSE TA

SHY

WOMEN AND CHILDREN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with