Bus na walang chips huli
Ikinasa na kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority ang panghuhuli sa mga bus na bumibiyahe sa kahabaan ng EDSA at nabigong magpalagay ng micro chips bilang bahagi ng programang Organized Bus Route System na isinulong ng ahensiya.
Ayon kay MMDA Chairman Bayani F. Fernando, sapat na ang mahabang panahon na kanilang ipinagkaloob sa mga bus operators para tugunan ang pagpapalagay ng micro chips na magsisilbing daan upang magkaroon ang bawat unit ng radio frequency identification technology.
Sa rekord ng MMDA, 2,500 pa lamang na mga bus sa kabuuang 3,500 na bumibiyahe sa EDSA ang nagpapala gay ng micro chips. (Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending