Hindi sukat-akalain ng isang negosyante na susuklian ng pagnanakaw ang kabaitang pinakita niya sa kanyang kasambahay makaraang tangayin ng huli ang malaking halaga ng pera ng una, kahapon ng umaga sa Caloocan City.
Positibong kinilala ng biktimang si Brian Blas, 42, ng 147-Pateros St., Barangay Maypajo ng na banggit na lungsod. Ang suspek ay si Marivic Cruz, 26-anyos, tubong-Cebu.
Base sa pahayag ng biktima, dakong alas-10 ng umaga nang madiskubre ng kanyang anak na babae na wala na ang suspek sa loob ng kanilang pamamahay at ilang mamahaling kagamitan ang nawawala.
Sa puntong ito ay agad na kinutuban ng hindi maganda si Blas at mabilis na tinungo ang kanyang kuwarto at dito nadiskubre na nawawala ang kanyang pouch bag na naglalaman ng P200, 000. (Rose Tamayo-Tesoro)