Bank holdup bagong raket ng kidnaper

Lumipat na umano ng operasyon sa bank robbery/holdup ang mga big time kidnap-for-ransom gang sa Metro Manila.

Ito ang inihayag ka­hapon ng Movement for the Restoration of Peace and Order, isang anti crime crusader ma­tapos na maalarma sa paniba­gong modus ope­­randi ng KFR gang.

Sinabi ni MRPO Pre­sident Teresita  Ang-See na bagaman bu­maba ang mga insi­dente ng kidnapping na ang target ay ang pa­milya ng mga negos­yanteng Filipino-Chinese ay tuma­taas na­man ang insi­dente ng bank robbery/holdup. (Joy Cantos)

Show comments