^

Metro

Iba pang biktima ng kikil na janitor pinalilitaw ni Isko

-

Pinalulutang ni Acting Manila Mayor Isko Moreno kung mayroong iba pang  nabiktima ang isang janitor na ipinasuspinde sa trabaho matapos mahuli sa  isang entrapment operation bunga ng pangingikil sa isang estudyanteng may summer job position sa Manila City Hall.

Kasabay nito, muling nagbabala kahapon si Moreno na hindi na bibigyan pa ng pagkakataon ang sinumang mahuhuling gumagamit ng posisyon sa Manila City Hall para sa kanilang katiwalian.

Noong Biyernes, ang janitor na si Romeo Fabian, 39, nakatalaga sa Youth and Welfare Bureau ng Manila City Hall, residente ng 1354 Burgos St, Paco. Maynila,  ay inaresto ng grupong pinamumunuan ni District Special Police Unit Chief Senior Supt. Alex Gutierrez matapos maaktuhang kinakaltasan ang sweldo ng isang  Reyalen Dealagdon, 16, summer job employee sa ilalim ng Government Internship Program and Summer Program for Employment of Students ng Manila City Hall.

Nabatid sa reklamo ni Dealagdon na kailangang magbigay umano siya ng  halagang P1,800. mula sa kaniyang sinahod na P2,000 kung nais pa nitong ma­kapagpatuloy sa summer job. Ang nasabing halaga umano ay ipinahihingi ng  mga nakatataas kay Fabian sa Youth Bureau.

Isinagawa ang entrapment nang isumbong ng biktima sa tanggapan ni Senior Insp. Marcelo Reyes ng DSPU ang panghihingi ni Fabian ng salapi. Nang  magpadala ng text message ang suspek at pinapu­punta ang biktima sa  treasurer’s office cash division ay binantayan na ng mga operatiba ang galaw  nito.

Nang mapirmahan na ng biktima ang payroll, nasaksihan ng mga operatiba na si Fabian ang kumuha ng pay envelope at kinaltas na ang nasabing halaga  kaya siya inaresto at sinampahan ng kasong robbery extortion sa Manila Prosecutor’s Office.  (Ludy Bermudo)

ALEX GUTIERREZ

BURGOS ST

CITY HALL

MANILA CITY HALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with