^

Metro

LPG sumabog: 10 sugatan

- Danilo Garcia -

Sampu katao ang sugatan makaraang sumabog ang isang tangke ng liquefied petroleum gas (LPG)  ma­tapos na maiwanang nakabukas, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Nakaratay  ngayon  sa Quirino Memorial  Me­dical Center dahil sa tinamong mga sugat  at lapnos sa  katawan sina  Sandy  Odon, 3 ; Asun­cion Odon, 19; Dennis  Odon, 11; Be­nita Odon; Jerry Caba­nganan, 13; Milagros Tamayo, 21; pa­wang nakatira sa kanto ng Ermin St. at Cambridge St.,  Cubao, Quezon City.

Habang  nilalapatan naman ng lunas  sa  East Avenue Medical Center dahil  sa  tina­mong 1st degree burns sa kanilang katawan ang mga biktimang  sina Maria Caponsi, 53;  Ka­ren Caponsi, 3; Cons­­­­­tancio Pranada, 46 at Aracel  Pranada, 42.

Batay sa imbesti­gas­yon ng Quezon City Police District-Cubao Police Station 7, naga­nap ang insidente da­kong alas-11:30  nang  maga­nap ang pag­sa­bog sa bahay ng mga  biktima sa nasa­bing lugar.

Naiwanan uma­nong nakabukas ang regulator ng LPG tank dahilan upang kumalat ang gas nito at nad­ilaan ng apoy kaya ito  sumam­bulat na iki­­na­sugat ng magkapit­bahay at mga biktima.

CAMBRIDGE ST.

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ERMIN ST.

ODON

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with