^

Metro

2 kelot pinasabog ang ulo

-

Dalawang lalaki ang pinaslang ng mga hini­hinalang sindikato ng iligal na droga matapos na matagpuan kapwa sabog ang ulo nito dahil sa tama ng bala kamakalawa ng gabi sa Novaliches, Quezon City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Arnold Sumergido, 42, binata at Mario del Rosario, alyas “Mario Bakla”, residente ng Brgy. Sta. Monica, Novaliches, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, dakong alas-9 ng gabi nang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril ang mga residente ng Nitang Avenue, Brgy. Gulod, Novaliches. Nang kanilang usyosohin, dito natagpuan ang bangkay ng dalawang biktima na nakabulagta sa kalsada.

Sa pagsusuri ng SOCO, kapwa nagtamo ng tama ng bala sa ulo at katawan ang dalawang bik­tima na sanhi ng kanilang agad na kamatayan.

Wala namang makuhang saksi ang mga awto­ridad na magbibigay-daan sa pagkakilanlan ng mga suspek. Teorya ng mga awtoridad na posib­leng anggulo sa onsehan sa iligal na droga ang motibo ng naturang pamamaslang. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ARNOLD SUMERGIDO

BRGY

DALAWANG

DANILO GARCIA

MARIO BAKLA

NITANG AVENUE

NOVALICHES

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with