^

Metro

2 holdaper bugbog-sarado sa taumbayan

-

Bugbog sarado ang inabot ng dalawang hinihinalang holdaper matapos kuyugin ng taumbayan makaraang holda­pin ang isang 19-anyos na nursing student kahapon ng umaga sa Sta. Cruz, Maynila.

Ang mga suspek na sina  Jojie Villafuerte, 34, binata, walang trabaho, miyembro ng Batang City Jail Gang, resi­dente ng Pinagbarilan Cemetery at Gerry Capricho, 24, binata, miyembro ng Sputnik Gang, ng Blk 16 Lot 104 Phase 3, Dagat dagatan, Caloocan City ay kapwa nakadetine sa Manila Police District-Station 3.

Kinilala naman   ang bikti­mang si Manilyn Ollero, da­laga, 2nd year student sa Perpetual Help College, ng 7778 Coronado St., Guadalupe Viejo, Makati City.

Dakong alas-10 ng umaga ng maganap ang naturang pang­hoholdap sa biktima habang nasa loob ng pampa­saherong jeep sa kanto ng Laong Laan at Asturias Sts., Sta. Cruz, Maynila.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya sumakay ng jeep biya­heng Dapitan ang biktima sa Quezon Boulevard nang sa­bayan ito ng dalawang suspect.

Pinagitnaan ng dalawang suspect ang biktima at pag­sapit sa naturang lugar na pinang­yarihan ay kinalawit ni Villafuerte ang biktima sa leeg habang si Capricho ay tinutu­kan ng bali­song sa tagiliran ang huli sabay deklara ng holdap.

 Nagkagulo sa loob ng jeep at isa sa apat na pasaherong ka­sabay ng biktima ay tumalon pa­palabas dahil sa takot   na nag­resulta sa pagkakasugat nito.

Nakuha ng mga suspect ang cellphone ng biktima na Nokia N95 na may halagang P28,000 at tumakbo ang mga ito papa­layo na namataan na­man ng taumbayan at mga opis­yal ng barangay dahil matapos mag­sisigaw ang biktima.

Dahil dito, hinabol ng taum­bayan ang mga suspect at pinag­tulungang gulpihin ang mga ito na inawat naman ng mga nagpapatrulyang mga tauhan ni Supt. Sapitula na nagresulta ng pagkakahuli ng mga ito. (Grace dela Cruz)

ASTURIAS STS

BATANG CITY JAIL GANG

BIKTIMA

CRUZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with