^

Metro

Witness sa Paco holdap, lumutang

-

May hawak nang testigo ang Manila Police District (MPD) na positi­bong kikilala sa mga suspek na nangholdap at pumatay sa abogadong negosyante  noong Mayo 13 matapos na mag-withdraw ang una sa  Paco, Maynila.

Ayon kay MPD – Homicide Division Chief Dominador Arevalo, may­roon ng testigong hawak ang pulisya na siyang kikilala sa mga  suspek na bumaril at pumatay sa biktimang si Atty. Alfredo Dy. Aniya, pinag-aaralan pa ng pulisya ang statement na ibibigay ng nasabing witness bago pa man tulu­yang ipalabas sa publiko ang pagka­kakilanlan nito.

Sa ngayon aniya ay masusi pa rin na nagsa­sagawa ng imbestigas­yon ang MPD at maingat na nagpapalabas ng anu­mang impormasyon ka­ug­nay sa progreso ng kaso.

Magugunita na si Dy ay nag-withdraw ng P1-M sa Banco de Oro-Angel Linao st., Paco Branch  at ilang metro lamang ang layo mula dito ay pina­ikutan na ito ng mga sus­pek at mabilis na binaril at tinangay ang nasabing halaga.

Bukod kay Dy ay na­sawi din ang dalawang pulis-Maynila matapos na rumesponde ang mga ito at makaengkuwentro ang anim na mga sus­pek. (Grace dela Cruz)

ALFREDO DY

ANIYA

HOMICIDE DIVISION CHIEF DOMINADOR AREVALO

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

ORO-ANGEL LINAO

PACO BRANCH

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with