Bading timbog sa rape
Natapos ang maliligayang sandali ng isang bading makaraang masakote sa entrapment operation kahapon ng umaga ng mga tauhan ng Pasay City Police sa loob ng isang motel habang pinagsasamantalahan ang isang binata na pinangakuan ng trabaho sa ibayong dagat.
Ang suspect na kinilalang si Ronald Catian, 30, residente ng
Batay sa imbestigasyon, nitong nakaraang April ay unang inalok ng suspect ang biktima upang magtrabaho bilang room boy sa bansang Malaysia sa kondisyon na pauunlakan nito ang una sa isang sekswal na pamamaraan.
Dahil sa kagustuhang magkatrabaho, nitong ikalawang linggo ng Abril, napilitan ang biktimang sumama sa baklang recruiter sa loob ng Rotonda Lodge, EDSA,
Muling pinangakuan ng suspect ang biktima na aayusin nito ang mga requirements sa bansang
Sa ikalawang pagkakataon, muling napilitan ang biktimang pagbigyan ang suspect sa pagnanais na makapagtrabaho sa abroad at naulit ang panghahalay ng huli sa una nitong nakaraang
Dahil nakahahalata ang biktimang niloloko lamang siya ng suspect, nagreklamo na ang biktima sa himpilan ng pulisya at dito agad na isinagawa ang entrapment operation sa Rotonda Lodge na muling pinagdalhan sa biktima.
Nang salakayin ng mga pulis ang naturang hotel, naaktuhan ang suspect na nakahubad at ginagahasa ang biktima.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na walang kakayahan ang suspect para magpadala ng trabahador sa ibayong dagat.
- Latest
- Trending