2 parak, 3 pa timbog sa kidnap
Limang pinaghihinalaang notoryus na miyembro ng isang kidnap-for-ransom gang kabilang ang dalawang bagitong pulis na sangkot sa pagdukot noong nakalipas na buwan sa isang mayamang negosyanteng Filipino-Chinese ang nasakote sa serye ng operasyon sa Metro Manila.
Kinilala ang mga naarestong suspect na sina PO1s Freddie Dumaguing at Samuel Derije; pawang nakatalaga sa PNP Headquarters Support Service sa Camp Crame at ang mga sibilyang kasabwat ng mga ito na sina Jun Jun Amar, Augusto Tabuno, Jr., at Armando Mariano.
Ayon kay PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Director P/Chief Supt. Raul Castañeda, pinaghahanap pa nila ang sampu pang miyembro ng sindikato kabilang ang dalawa pang pulis na nakatalaga rin sa
Isinagawa ang operasyon laban sa mga suspek matapos na dumulog sa tanggapan ng PNP-CIDG ang biktimang si Johnny Sy na umano’y pinagbantaan siya ng mga suspek na dudukuting muli dahil kulang pa umano ng P1 milyon na napagkasunduang ransom ng kanyang pamilya sa mga kidnappers kapalit ng kanyang kalayaan.
Sa testimonya ni Sy sa mga imbestigador, dinukot siya ng mga armadong suspect na sakay ng motorskilo at isang L 300 van malapit sa kanyang tahanan sa University Hills sa Caloocan City noong Abril 8.
Ang nasabing Tsinoy ay pinalaya matapos ang tatlong oras na pagkakadukot pagkaraan namang magbayad ang kanyang pamilya ng inisyal na P500,000 mula sa napagkasunduang P1-M ransom.
Nabatid na nagbigay muna ng P 300, 000 ang pamilya ni Sy sa mga kidnapper mula sa kaniyang ATM account at karagdagang P100,000 ng sumunod na araw hanggang sa umabot ito ng P 500,000 kung saan kinuha umano ng mga suspect ang kanyang ATM card.
Napilitan ang biktima na ipakansela ang kanyang account ng mabatid na nagawang makapag-withdraw ng mga suspect ng P70,000 mula sa kanyang ATM account.
Kasalukuyan na nakapiit sa detention cell ng PNP-CIDG sa Camp Crame ang mga suspect na nahaharap sa kasong kidnapping for ransom at illegal possession of firearms matapos na masamsaman ng isang cal. 45 pistol at dalawang cal. 38 revolvers. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending