^

Metro

2 pulis, trader todas sa holdap

- Ni Grace Dela Cruz -

Patay ang dalawang pulis Maynila at isang ne­gosyanteng Intsik, habang sugatan ang tat­long sibil­yan nang hara­ngin at pag­babarilin ng anim na sus­pek na mag­kakaangkas sa dalawang motorsiklo at saka tina­ngay  ang may P1 milyon sa Paco, Maynila kaha­pon ng umaga.

Namatay noon din sa pinangyarihan ng krimen ang pulis na si PO3 Fran­ciso Neri, habang patay na bago pa man idating sa Ospital ng Maynila si PO3 Jose Santos, kapwa naka­talaga sa Manila Police District (MPD)-Po­lice Com­munity Precinct (PCP)-sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Idineklarang dead-on- arrival naman sa Makati Medical Center (MMC) si Atty. Alfredo Dy, isang ne­gosyante sanhi ng tama ng bala sa  katawan.

Kinilala naman ang mga sibilyan na nasuga­tan  na sina Janine Pauline Dela­rosa, 15, estudyante; Arturo Ferrer, 67; at Rizza Aquino, 25, pawang resi­dente ng Merced St., Paco.

Nagpalabas na rin ng car­tographic sketch ang Manila Police District (MPD) sa mga suspek na inila­rawan na magkaka­angkas sa dalawang motor­siklo.

Sa report ni Det. Steve Casimiro ng MPD-Homi­cide section, dakong alas-10 ng umaga nang ma­ga­nap ang insidente sa kanto ng P. Gil at Merced Sts.

Nauna rito, minama­neho ni Dy ang kanyang silver gray na Honda CRV (ZJA 847) matapos na mag-withdraw ng P1 mil­yon cash sa Banco De Oro, Ligao branch nang na­abu­tan ito ng pulang signal lights. Habang naka­tigil ang sasakyan ay hi­narang ng isa sa sus­pek ang kan­yang motor­siklo habang ang dalawang ka­sa­mahan nito na naka­abang sa kanto ay sabay-sabay na pinapu­tukan si Dy.

Nang bumulagta ang biktima ay kinuha ng mga suspek ang isang itim na bag sa tabi nito na nagla­laman ng P1 milyon cash. Nagresponde naman ang dalawang pulis na galing sa isang operasyon subalit bumulaga sa kanila ang dalawa pang mga suspek na nakaabang sa lugar kaya pinagbabaril din ang mga ito.

Bagama’t may tama ang dalawang pulis ay na­gawa itong makipagpalitan ng putok kung saan isa sa suspek ang tinamaan. Ma­tapos ang pama­maril, tu­ma­­kas ang mga sus­pek gamit ang dala­wang  motor­siklong may mga plakang FB 3108 (Honda TmX) at ON 9592 (Honda Wave) na inaban­dona na­man sa kanto ng Anak Bayan at Singa­long Sts., saka suma­kay ng isang get-away car na isang Nissan na di na­plakahan.

ALFREDO DY

ANAK BAYAN

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with