^

Metro

Satanas bumibiktima ng kabataan sa Net

-

Nangangamba ang  isang alagad ng Simbahang Kato­liko  na mabiktima umano ng ka­samaan ang mga bata  bun­sod na rin ng paggamit ng inter­net  kung saan ikinakalat ang mga anti-Christian values. Dahil dito, nagbabala si Ma­ rikina parish priest Ric Equia sa mga magulang na ban­tayan ang kanilang mga anak kasunod ng pagkaka­roon ng mga ito ng access sa internet at  maaaring maging biktima umano ni “Satan” na gu­magamit ng internet upang ipakalat ang mga anti-Christian values.

Paliwanag ni Equia na mas mapanganib ang sitwasyon sa kasalukuyan dahil maraming bata ang namumulat na  sa internet sa kanilang mas murang edad.

Dahil dito, dapat na siguru­hin ng mga magulang na ang kanilang mga anak ay armado ng “proper values” upang hindi madaling mahikayat sa ma­samang gawi, partikular kung bumibisita ang mga ito ng iba’t ibang internet sites.

Hinikayat din ni Equia ang simbahan na labanan ang naturang banta mula sa inter­net sa pamamagitan nang pagbuo ng sarili nitong cyber­space.  (Doris Franche)

DAHIL

DORIS FRANCHE

EQUIA

RIC EQUIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with