^

Metro

Welga ngayon

- Rose Tamayo-Tesoro -

Bubulaga ngayong  Lunes ang welga ng mga driver at  operator ng mga pampasahe­rong jeepney at bus sa Metro Manila at ilang lalawigan bilang pagpapa­ kita ng ka­nilang protesta laban sa pa­tuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Nangunguna sa welga ang militanteng Pinagka­isang Samahan ng Tsuper at Ope­rators Nationwide pero sinabi ng secretary general nitong si George San Mateo na hindi kasama sa kanilang protesta ang kahilingang itaas ang singil sa pasahe sa paniwa­lang hindi ito ang solusyon sa nararanasang pagdurusa ng mga tsuper at motorista.

Naunang napaulat na naka­alerto na ang mga ta­uhan ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philip­pines para masa­wata ang anumang kagulu­hang maa­aring maganap sa welga.

Ayon sa PISTON, isa sa ka­nilang kahilingan ay ang pagbasura sa Oil Deregula­tion Law na siyang nagbigay ng pagkakataon sa mga kom­panya ng langis na mag­kaisa sa pagtatakda ng magkaka­parehong presyo ng kanilang produkto.

Ipinapatigil din nila ang pagtaas ng presyo ng langis at ang pagpapataw ng 12 porsiyentong value added tax sa mga produktong petrolyo.

Hindi naman nabahala ang Metropolitan Manila Develop­ment Authority sa tigil-pasada ng PISTON sa paniwalang hindi malala ang magiging epekto nito sa publiko dahil isang grupo lamang ang magwewelga.

Ayon kay MMDA Ge­neral Manager Robert Na­cian­ceno, huwag lamang mana­nakot at mamumu­wersa ang grupo ay tiyak na kakaunti lamang ang sa­sama sa tigil-pasada ngayon.

Hindi rin pabor ang grupo ni Obet Martin ng Pasang Masda sa tigil-pasada ng PISTON dahil hindi lamang aniya ang mga tsuper na nag­­ hahanapbuhay ang ma­aapek­tuhan kundi ang mga ordinar­yong manggagawa na araw-araw na sumasa­kay ng pam­pasaherong jeep patungo sa kanilang trabaho.

Posibleng ipakalat nga­yon ng AFP ang mga trak ng Na­tional Food Authority para ga­miting service sa mga pasa­herong mai-stranded nga­yong araw dahil sa “tigil-pa­sada” ng iba’t ibang trans­port group.

Inihayag kahapon ng AFP-National Capital Re­gion Com­mand na pinag-aaralan nila kung kakaila­nga­nin pa ang mga trak na dating gamit sa paghakot ng bigas kung lu­lubha ang sit­wasyon ngayong araw.

Itataas sa “heightened alert” ang puwersa ng AFP, ayon kay NCRCOM spokes­­man Capt. Carlo Ferrer ngu­nit maaari ring itaas sa “red alert” kung kakaila­nganin.

Tinatayang 2,000 pulis naman ang ikakalat ng PNP-National Capital Re­gion Police Office sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila habang itataas rin ang “full alert status” um­pisa alas-8 kagabi.  (May ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ARMED FORCES

AYON

CARLO FERRER

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL RE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with