Koleksyon ng BOC tumaas

Ipinagmalaki ng Bureau of Customs na nakabase sa Ninoy Aquino International Airport  Collection District na na­nanatiling matibay ang kanilang ahensya matapos na  tumaas at  lumampas ang na­likom nito sa mahigit  P1 bilyon sa pagtatapos ng buwan ng Abril.

Ayon kay BoC-NAIA Dis­trict Collector Carlos So, ang aktuwal na koleksiyon ay umabot sa P1.478 bilyon at nilagpasan ang tinatarget na P1.130 bilyon na  sumobra pa ito ng P348 milyon o 30.8 por­syentong nalikom.

Umabot naman ang ak­tuwal na collection ng BoC-NAIA sa P5.315 bilyon mula Enero hanggang Abril kontra sa target  na P4.260 bilyon. (Ellen Fernando)

Show comments