Koleksyon ng BOC tumaas
Ipinagmalaki ng Bureau of Customs na nakabase sa Ninoy Aquino International Airport Collection District na nananatiling matibay ang kanilang ahensya matapos na tumaas at lumampas ang nalikom nito sa mahigit P1 bilyon sa pagtatapos ng buwan ng Abril.
Ayon kay BoC-NAIA District Collector Carlos So, ang aktuwal na koleksiyon ay umabot sa P1.478 bilyon at nilagpasan ang tinatarget na P1.130 bilyon na sumobra pa ito ng P348 milyon o 30.8 porsyentong nalikom.
Umabot naman ang aktuwal na collection ng BoC-NAIA sa P5.315 bilyon mula Enero hanggang Abril kontra sa target na P4.260 bilyon. (Ellen Fernando)
- Latest
- Trending