^

Metro

Parak tinalo: 4 nursing student kalaboso

-

Humantong sa kala­boso ang apat na nursing student  kabilang ang dalawang babae mata­pos na ireklamo ng isang pulis sa kasong pagna­nakaw ng kanyang cell­phone sa isang disco bar kahapon ng madaling- araw sa Quezon City.

Kinilala ng  Quezon City Police District Sta­tion-10 ang mga suspek na itinago sa pangalang Annie, 18; Gianna; 21; Betty; 20; at Joel, 20-anyos, pawang nursing student.

Ang nasabing mga estudyante ay ipinag­harap ng reklamo ng  bik­timang si  P02 Joseph Medina na nakatalaga sa QCPD Station-10.

Naganap ang insi­dente dakong alas-4 ng madaling-araw sa De­cades Disco Bar sa Brgy. Laging Handa.

Nakatayo ang biktima sa loob ng disco house nang lapitan siya ni Annie na todo-giling na nakipag­sayaw sa kanya.

Ilang saglit pa, bigla  na lamang nawala ang suspek at natuklasan ng biktima na wala na sa bulsa niya ang kanyang Nokia 3630.

Dali-dali nitong hina­bol si Annie habang papa­takas kung saan naaresto ito kasama ang tatlong iba pa na pinaghi­hinala­ang nagsabwatan sa pag­nanakaw ng kanyang cellphone.

Sa komprontasyon sa presinto, itinanggi naman ng nasabing mga suspek ang paratang ng parak. (Joy Cantos)

vuukle comment

DISCO BAR

JOSEPH MEDINA

JOY CANTOS

LAGING HANDA

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with