^

Metro

2 katayan ng baboy sinalakay

-

Sinalakay ng mga ta­uhan ng Laguna Lake Development Authority ang dalawang slaughter house o katayan ng baboy na sinasabing pag-aari ng pamilya ni dating Muntinlupa City mayor Jaime Fresnedi.

Nag-ugat umano ang nasabing raid bunga ng walang humpay na rekla­mo ng mga residente ng Barangay Putatan at bukod pa umano sa sob­rang ingay na idinudulot ng mga kinakatay na baboy na umaabot hang­gang madaling-araw at water pollution na kuma­kalat sa Laguna Lake.

Malaki umano ang ipi­nagtataka ng mga   nag­reklamo kung paano na­kapagtayo ng slaughter house sa bahagi ng Laguna Lake sa kabila ng Cease and Desist order ng LLDA.

Batay sa rekord, ma­ka­ilang beses na uma­nong bumagsak sa ins­peksiyon ang nabanggit na dalawang slaughter house kung saan ay pinagmulta ito ng halos P3 milyon dahil umano sa polusyon na idinudulot nito sa lawa.

Pinamunuan ang na­tu­rang pagsalakay ni Engr. Ernesto Pua ng Pollution Monitoring Group kung saan ay kanilang ininspeksiyon ang water treatment plant patungong Laguna Lake.

Sinasabing bahag­yang nagkaroon ng ten­siyon nang ipatigil ni Councilor Allen Ampaya, umano’y pamangkin ni Fresnedi, ang isinasa­gawang inspeksiyon ng LLDA subalit agad na­ mang humupa nang pumagitna ang operatiba ng Muntinlupa City Po­lice. (Rose Tamayo-Tesoro)

BARANGAY PUTATAN

CEASE AND DESIST

COUNCILOR ALLEN AMPAYA

ERNESTO PUA

JAIME FRESNEDI

LAGUNA LAKE

LAGUNA LAKE DEVELOPMENT AUTHORITY

LAGUNA LAKE.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with