^

Metro

4 MPD cops inireklamo ng kotong

-

Apat  na pulis-Maynila ang inireklamo ng umano’y pango­ngotong sa isang taxi driver sa loob mismo ng Manila Police District-Headquarters kamakalawa ng gabi  sa Maynila.

Ang biktimang si Edgardo Chu, 53, residente ng #214 Matalino st., Tubigan Antipolo City ay nagreklamo sa MPD-General Assign­ment Section (GAS) laban sa apat na pulis-Maynila na naka­talaga sa Anti-Carnapping Division.

Kikilalanin naman ni Chu sa police line-up ang mga suspect matapos na siya ay ikulong umano ng mga ito dahil lamang sa umano’y peke ang kanyang lisensiya.

Ayon sa biktima, ang insidente ay naganap kamakalawa ng gabi sa tapat ng SM-Manila dakong alas-8 ng gabi kung saan pinara umano siya ng mga di pa nakikilalang suspek para sa suma­ilalim sa checkpoint. Matapos siyasatin ang kanyang taxi na may plakang TYL-610 at walang nakitang ilegal ay pinagdiskitahan naman umano ng mga suspek ang kanyang lisensiya at sinabing peke umano ito na labis naman na itinanggi ng biktima.

Bunsod nito’y, dinala umano ang biktima sa MPD-Headquarters at dito ay pinipiga umano siya   na maglagay na lamang sa kanila ngunit nang walang maibigay ang biktima ay ikinulong na lang ito.Dahil dito ay napilitan na lamang umano si Chu na ibigay sa mga suspek ang kanyang kinitang P250 kaya lamang siya pinaka­walan ng mga suspect na pulis. (Grace dela Cruz)

ANTI-CARNAPPING DIVISION

APAT

CHU

EDGARDO CHU

GENERAL ASSIGN

MANILA POLICE DISTRICT-HEADQUARTERS

MAYNILA

TUBIGAN ANTIPOLO CITY

UMANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with