Lalaki hubo’t hubad na tinodas

Patay ang isang lalaki na hinihinalang manyakis makaraang habulin ito ng taumbayan at masaksak ang isang 15-anyos na bi­na­tilyo matapos na ma­kitang hubo’t hubad sa itaas ng bubong ng isa sa mga bahay sa Green­heights Subd. Brgy. Con­cepcion Uno, Marikina City.

Sa kasalukuyan ay ina­alam pa ang pagkaka­ki­lan­lan ng nasawing la­laki na nagtamo ng isang sak­sak sa likurang bahagi nang maabutan ang 15-an­yos na binatilyo na sad­yang hindi na pina­nga­lanan.

Ayon kay Chief Insp. Earl Castillo, hepe ng CID ng Marikina police, na­ganap ang insidente da­kong alas-11:30 ng gabi ng makitang nasa itaas ng bahay ng isang Agus­tin Baay, 37, sa Chile St. ng nasabing subdibisyon ang biktima na hubo’t hubad.

Agad na humingi ng tulong si Baay sa mga kapit­­bahay na mabilis namang rumisponde at hinanap ang lalaking hubo’t hubad.

Nang makita ito sa isang bakanteng lote ay agad itong hinabol ng mga kalalakihan.  Lingid sa ka­alaman ng lalaki ay sinalu­bong siya ng binatilyo na may dalang pa­talim at nang maabutan ay sabay sak­sak sa likurang bahagi. Nakuha pang ma­ka­takbo ng may 100 metro ang layo ng lalaki subalit dahil sa tindi ng tinamong saksak bumigay na rin at wala nang buhay na bu­magsak sa kalsada.

Ayon kay Castillo, po­sible umanong nais mam­boso ng lalaki sa mga kaba­baihang nakatira sa nasabing bahay kaya nito inakyat ang bubungan ng nakahubo’t hubad.

Patuloy ang isinasa­gawang imbestigasyon ng puilsya para sa ikali­linaw ng kaso habang sa kasa­lukuyan ay pansa­manta­lang pinipigil sa himpilan ng pulisya ang binatilyo upang magbigay ng pahayag hing­gil sa pangyayari.

Show comments