Dahil sa hindi na nakayanang dalhin ang kanyang mga prob lema sa buhay kung kaya’t pinili na lamang ng isang 30-anyos na pedicab driver ang magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.
Dead-on-arrival sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Joven Laurente, binata ng #1312 Masinop St., Tondo.
Batay sa report ni Det. Jay Santos ng MPD-Homicide Section, dakong alas-9:30 ng gabi nang madiskubre ni Ryan, kinakapatid ng biktima, ang ginawang pagpapakamatay nito sa loob ng comfort room ng kanilang bahay.
Nauna rito, huling nakitang buhay ang biktima habang mag-isang umiinom ng beer sa harapan ng kanilang bahay. Ilang sandali ay napansing palakad-lakad ito hanggang sa umupo sa isang sulok at nag-iiyak hanggang sa pumasok sa CR. Ilang sandali pa’y nakita na itong patay. (G.dela Cruz)