Pulis-QC patay sa motorsiklo

Halos hindi na makikilala ang isang pulis-Quezon City matapos na mabasag ang bungo at mawakwak ang hita nito nang bumangga ang minamanehong motor­­siklo sa isang nakaparadang trailer truck sa Tondo, Maynila kama­kalawa ng gabi.  Dead-on-the spot ang biktimang si PO2 Romeo Tayag, nakatalaga sa Quirino Police Station 9 ng QCPD at residente ng D-22 Kabit­bayan, Navo­tas City. Ayon sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Capulong Highway, Tondo. Minamaneho ng biktima ang kanyang asul na Honda Wave, may plakang (NM 7535) habang bina­bag­tas nito ang naturang lugar nang sumalpok sa isang naka­paradang truck na may plakang (XKG  741) at may hilang trailer (NZC 183).  Dahil sa lakas ng pag­ka­­­ka­salpok ng kanyang motorsiklo, nabasag ang bungo at nawakwak ang binti ng biktima na nagresulta rin sa kan­yang agarang kamatayan. Nabatid na ipina­rada ng driver ang kanyang  truck dahil sa kakain lamang umano ito. Ang nasabing trailer truck ay pag-aari ng Paras Trucking. (Grace dela Cruz)

Show comments