^

Metro

Bangkay itinago sa compartment ng sasakyan

-

Dahil sa masang­sang at nakakasulasok na amoy, nabulgar ang karumal-dumal na kamatayang si­napit ng isang 32-anyos na negosyante matapos ma­dis­kubre ang bangkay nito na tadtad ng saksak sa loob ng compartment ng kanyang sasakyan, kama­ka­lawa ng gabi sa Ca­loocan City.

Halos naaagnas na ang bangkay ng biktimang si Richard dela Cruz, may asawa, ng 118 Apt-B, Plapla corner Paros Alley, Block 2, Lot 128, Phase III-E-1 ng na­banggit na lungsod nang madiskubre ito ng mga nag­­papatrulyang tanod.

Nagsasagawa naman ng malawakang manhunt at follow-up operation ang mga elemento ng Calo­ocan-PNP laban sa sus­pect na hindi muna ipina­pa­bunyag ang pangalan.

Sa ulat ng pulisya, da­kong alas-6 ng gabi nang matuklasan ang bangkay ng biktima sa loob ng com­partment ng sasakyan nitong pulang Toyota Co­rolla na may plakang TCZ-277 na nakaparada sa  pa­nulukan ng Rizal Avenue Ext. at 1st Avenue, Calo­ocan City.

Nabatid na unang na­kitang ipinarada ang natu­rang sasakyan ng isang hindi nakilalang lalaki noong nakalipas na May 2 dakong alas-8:45 ng gabi.

Lumalabas naman sa isinagawang imbesti­gas­yon ng pulisya na huling nakitang buhay ang biktima noong May 2 ng alas-7:45 ng gabi nang magtungo ito sa pinsan niyang kinilala lamang sa pangalan na Samuel sa lugar ng Letre para kunin ang pasalubong na mga daing na pusit.

Masaya pa umanong nagpaalam ang biktima sa kanyang pinsan at nag­sabing may dadaanan pa siyang tao na hindi nito na­banggit ang pangalan hang­gang sa madiskubre na lamang ang naaagnas nitong bangkay.

Sa kasalukuyan ay pa­tuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente at kung ano ang posibleng   mo­tibo ng pamamaslang sa biktima. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

APT-B

CALO

PAROS ALLEY

RIZAL AVENUE EXT

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

TOYOTA CO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with