^

Metro

Kaso ng carnapping sa Pasay, tumaas

-

Naalarma na ang mga awtoridad, parti­kular na ang anti-carnapping unit ng Pasay City Police bunga ng sunud-sunod na pag­ka­­­wala ng mga sasakyan sa naturang lung­sod at biglaang pagtaas ng kaso ng car­napping dito. Lumabas kasi sa rekord o esta­tistika, ang  Pasay City ang may  pinaka-mataas na napa­ulat ng kaso ng  carnapping,  kasama na dito ang mga motorsiklo, taxi at public utility ve­hicles (PUV) kumpara sa ibang police station  sa Southern Police  District (SPD).

Batay sa ulat, noong nakaraang buwan ay anim  ang  naitalang kaso ng  carnapping  sa lung­­­­ sod bagama’t ayon kay P/Senior Insp. Rolando  Baula,  hepe ng anti-carnapping unit,  ang ilan dito ay narekober matapos iulat sa kanila at malagay sa alarma. Gayunman, nagpa­­labas  pa  rin ng  memo­randum si Baula sa lahat ng mga kagawad  ng Station Inves­tigation and Detective Manage­­ment Service (SIDMS) para  pa­igtingin pa  ang kanilang kam­panya laban  sa carnapping. (Rose Tamayo-Tesoro)

BAULA

DETECTIVE MANAGE

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with