Patay na at nakahandusay sa semento nang makita ang isang di-kilalang lalaki matapos na ataduhin ng saksak sa noo at leeg ng hindi pa nakikilalang salarin sa Parola Cmpd., Tondo, Manila kahapon ng madaling-araw. Inilarawan ang biktima na nasa gulang na 22-27, payat ang pangangatawan, may taas na 5’5’’, may nunal sa talukap ng mata at pisngi at nakasuot ng gray shirt at asul na pantalon. Ayon sa imbestigasyon, natagpuan ang biktima dakong alas- 2:15 ng madaling-araw sa may harapan ng Delpan Fly Over sa harap ng Phil. Port Authority (PPA) Parola Cmpd., Tondo Manila. Nagtamo ng mga saksak ang biktima sa kanyang noo at kaliwang dibdib. Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya kung sino ang posibleng may gawa sa krimen. (Grace Amargo dela Cruz)