^

Metro

Dalagitang anak nabuntis, tatay nagpakamatay

-

Dala ng labis na sama ng loob at uma­no’y kahi­hiyan sa ma­agang pag­ka­buntis ng kanyang dalagitang anak, isang ama ng tahanan ang naga­wang magpatiwakal sa pamamagitan ng pag­talon sa Pasig River, ka­­hapon ng madaling-araw sa Makati City.

Patay na nang ma­iahon ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Coast Guard at Makati Rescue Team si Arnel Es­cultura, 37,  ng 67-E 25th   Avenue, Brgy. West Rem­bo, Makati City ma­tapos na tuma­lon ito at mag­­pa­kalu­nod sa ilog ka­ maka­la­wa, dakong alas-12:36 ng mada­ling-araw.

Batay sa imbesti­gas­yon ni SPO1 Ro­nelio Ma­naog ng Cri­minal In­ves­tigation Division (CID), unang naki­­kipag-inuman ang bik­tima kasama ang   kan­yang mga kaibi­gan sa harap ng ka­nilang bahay na ilang metro lamang ang layo sa Pasig River.

Bigla na lamang uma­nong nagpunta sa natu­rang ilog ang bik­tima at agad tumalon na ikina­gulat ng kan­yang mga kainuman.

Dahil madilim ang lugar, hindi agad na­sak­lolohan ng kan­yang mga kainuman ang bik­tima kung kaya’t ipi­nasiya nilang humingi ng tulong sa Makati Rescue Team at Philippine Coast Guard upang iligtas ito subalit bigo rin ang mga huli na maiahon ito ng buhay.

Lumilitaw naman sa pagsisiyasat ng pu­lisya sa isa sa kaibigan ng biktima na si Rey­naldo Onias na unang na­pag­kuwen­tuhan ng na­sawi tung­kol sa di­na­dalang sa­ma ng loob sa bigla­ang pag­bu­­buntis ng dalagi­tang anak.

Hinihinalang isa sa posibleng mabigat na dahilan kung kaya’t ipi­nasya nitong tapu­sin ang kanyang bu­hay sa pama­magitan ng pag­talon sa Pasig River. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ARNEL ES

MAKATI CITY

MAKATI RESCUE TEAM

PASIG RIVER

PHILIPPINE COAST GUARD

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with