^

Metro

Utak ng international human trafficking, timbog ng BI

-

Naaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Botswanian national na pinaghihinalaang utak ng international human trafficking syndicate sa bansa.

Kinilala ni BI Commissioner Marcelino Liba­nan ang suspek na naaresto habang nasa ak­tong papasakay ng eroplano sa NAIA 2  pa­tungong Vancouver na si Peter Lucky, may mga hawak ding pekeng travel documents.

Idinagdag ni Libanan na nais na namang mag­balik ang sindikato ng mga human traf­ficking at gagamitin ang Pilipinas bilang daanan patungo sa iba pang destinasyon.

Kaagad namang ipina-deport ang suspek patungo sa Kuala Lumpur at inilagay na sa blacklist ng BI bilang undesirable alien at hindi na muling maaaring makapasok pa sa bansa.

Ayon kay Libanan, ang Pilipinas umano ang siyang paboritong transit point ng  sindikato ng inter­national human trafficking at nahinto lamang umano ito nang magkaroon ng re­porma sa BI noong nakaraang taon.

Nabatid naman na dumating sa bansa ang suspek mula sa Malaysia isang araw bago ito maaresto ng mga operatiba ng BI at nang kuwestiyunin ay nagpanggap pa ito ng isang estudyante mula sa naturang bansa.

Subalit ang iprinisinta nito ay mga pekeng Botswania passport na mayroong mga pekeng immigration arrival stamps, bukod dito, hindi rin nito maipaliwanag kung bakit ito pupunta sa Canada. (Gemma Amargo-Garcia)

BUREAU OF IMMIGRATION

COMMISSIONER MARCELINO LIBA

GEMMA AMARGO-GARCIA

KUALA LUMPUR

LIBANAN

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with