Helper naatrasan ng truck lasog

Halos hindi na makilala ang isang 18-anyos na truck helper ma­tapos na mabasag ang bungo nito nang maipit sa bulto ng feeds makaraang ma­atra­san ng sine­ senyasang truck sa Port Area, Manila, ka­ma­­kalawa ng gabi.

Dead-on-the spot ang bik­timang si Aries Gallarte, ng Papaya, Gen. Tinio, Nueva Ecija sanhi ng pagkakaipit ng kata­wan nito sa truck. Habang ang driver na si Reynante Reyes, 35, ng Pas­cual Trading at residente ng Papaya, Gen. Tinio, Nueva Ecija ay sumuko naman sa pulisya.

Batay sa ulat, dakong alas- 11:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bodega ng Walker Manager Corp., Port Area, Manila.  Su­mesenyas ang biktima ha­bang inaatras ni Reyes ang minamaneho nitong tractor head na may plakang RCL 58 at may hilang trailer truck (CUR 318) na may kar­gang mga sako ng feeds subalit hindi napansin ng driver na ma­lapit na ito sa gilid hang­gang sa maatrasan nito ang biktima at maipit ang  katawan sa likurang bahagi ng truck at sa mga sako ng feeds na nagresulta sa kan­yang aga­rang kamatayan. (Grace dela Cruz)

Show comments