^

Metro

Krisis sa droga umariba

-

Dumaranas na rin ng krisis sa droga ang mga kilabot na drug addict sa bansa, par­tikular na sa mga commercial district nito sa Metro Manila.

Ito ang kinumpirma ka­hapon ng Philippine Drug Enforcement Agency kaugnay ng patuloy nilang pagkaka­buwag sa mga laboratoryo ng shabu, bodega at iba pang imbakan sa isinasagawang serye ng operasyon ng ka­nilang mga operatiba.

Sinabi ni PDEA Spokes­man Derrick Carreon na  pa­tunay ng dinaranas na ring krisis sa droga, partikular na ang shabu ay  kakarampot na gramo lamang ang kanilang nakukumpiska sa mga raid sa mga kilalang ‘drug haven’ at mga komersyal nitong distrito sa National Capital Region.

Kadalasan pa umano ay hi­nahaluan ang shabu ng tawas, snowbear na kendi o kaya naman ay Albatross o isang uri ng kemikal na gina­gamit na pampabango sa comfort room.

Dahil umano sa kakaunti ang suplay ng shabu  ay tuma­taas na rin ang presyo nito sa bentahan ng mga  supplier ng droga. (Joy Cantos)

DAHIL

DERRICK CARREON

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DUMARANAS

JOY CANTOS

NATIONAL CAPITAL REGION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with